Join for FREE | Take the Tour Lost Password?
[x]

deviantART

 
About Me Member Comic Artist monkun1618/Male/Philippines Recent Activity Deviant for 2 Years
Needs Premium Membership
Statistics 48 Deviations
134 Comments
2,245 Pageviews

Summer Anime Convention I

Fri May 9, 2008, 5:14 AM
  • Mood: Joy
April 5, 2008. ngayon ung convention sa mega. Ozine Fest '08. 10am ung event pero 5am gising na ako sa excitment. sa sofa lang ako natulog nun kaya hinilot ko muna ang nananakit kong katawan bago tumayo. tapos nun nagalmusal ako na minsan sa isang eklips ko lang ginagawa(12noon kasi ang gising ko talaga.) tapos tumulala ako ng mga 10 mins pa. mayamaya naligo na rin ako at nagbihis, nka dalawang palit ako ng tishirt ksi sobrang init kahit madaling araw palang. mayamaya pa nagtext na sakin si rey na sasama sa convention. "2loy ba tau?", "Uu. Bkt? Nkaready n q..Hehe Pro mya2 p q alis...Aga p e...Txt kta pg paalis n q...O_o", "Ocge.. Aq ktatapus lng ligo,sglet lng nmn byahe eh"...inikot ko pa ng mga sampunt beses ung bahay namin bago ako tuluyang umalis. sa MRT ang usapan namin ni rey at nauna akong dumating. marami na akong nasalubong na lolita, rakista, at senior citizen na parang pupunta rin ng anime convention bago pa sya nagtext na nasaMRT n din daw sya. nauna pa pala sakin. hinanap ko sya sa may booth ng globe(sabi nya andun sya), na nakapwesto sa kabila pang station.joke!... ayun nagkita na kami after 10 years at ready to go na. ortigas ung station na bababaan namin P12 mula sa taft at may libre pang problema. hindi kasi tinangap nung machine ung card ni rey kaya lumipat pa sya sa mas mahabang pila. Habang nakasakay sa MRT, naghuhulaan kami ni rey kung pangilang station ung ortigas. akala namin lumampas na kami kasi nawala bigla ung babaeng mukhang magcocosplay ang damit, pero hindi pa pala. pagdating ng ortigas, lumabas na kami, amdaming taong bumaba dun kaya may mini stampede muna sa exit. tapos tinahak na namin ung SM mega kahit alam naming sarado pa. mga 9am andun na kami sa SM mega. nagkkwentuhan kami ni rey habang naglalakad hanggang sa matanto namin na nasa ibang dimensyion na kami. sinusundan lang namin ung mga taong kasabay namin sa MRT, mga empleyado pala ng malaking building sa likod ng SM. tae. pagkatapos naming marealize na we're not one of them, himiwalay kami ng pasimple. pumunta na kami sa dapat puntahan at binawsan ang kadaldalan. narating na naming ung harap ng SM. may isang grupo ng cosplayer na nakaabang na sa pinto. may balak yatang masama sa first 100 early bird na kasali sa raffle ng Nintendo DS lite. actually yun din und pakay namin ni rey kaya maaga pa kay Rabit andun na kami. at saka ung sa Art contest na 50 lang ang makakasali.

Tumogtog ang theme song ng Lucky Me! at nagsimulang sumayaw si Makisig at ang mga kalaro nya. sa wakas binuksan na din ang SM mega. may mini stampede uli pero mas maliit kaysa kanina. para bang mauubusan sila ng hangin sa labas ng SM na ikamamatay nila. pero kasali kami sa stampede na yon. hehe. desidido sa Nintendo DS. alam na! pinuntahan agad namin ang Mega Trade Hall sa fifth floor kung saan idaraos(nalunod ako.) ang convention. hinati sa dalawa ang pila papasok sa Mega Trade Hall. ung isa sa wala pang tiket na may sampung libo na ang nakapila, parang pila ng NFA rice, at isa para sa meron nang tiket na may 50 palang ang nakapila. mabilis kaming naka pasok ng SM kaya palaisipan samin kung saan naggaling ung mga nkapila na. may tiket na ako(excited) pero si rey wala pa. dun kami pimula sa wala pang tiket para magkasama na kami. mayamaya pa, umilaw na ang bumbilya sa ulo ko at nagkaroon ng bright idea. naisip ko na baka may tiket na binebetna sa YOSHINOYA na nasa first floor ng mega. iniwan ko muna si rey sa pila para sa isang delikadong misyon. joke. bumaba ako ng mega para magbakasakali. pagpasok ko na yoshinoya, wala masyadong tao. hindi pa ako nagsaalita pero alam na nung babae na tiket ang pakay ko dun. ayos. nakabili na ako ng tiket at pipila na kami sa mas maiksing pila. tinext ko na si rey para lumipat na sa kabilang pila habang tumatalon talon ako na parang ninja. pagdating ko ng fifth floor wala na si rey sa dating pila na ngayong ay nasa dalawampung libo na. sa kabilang pila mahabahaba na rin. hindi na kami aabot sa 100 early bird. sinundan ko ung pila habang hinahanap si rey. papunta na sa hagdan ng fire exit ung pila, pababa, umabot sa 4th floor, 3rd floor, 2nd floor, at sa wakas nakita ko na si rey. tae. sana hindi na ako umakyat.

Tinubuan na ako ng balbas at sa wakas umusad na ang pila. ayos din kasi mas mabilis at mas naunang pinapasok ung mga may tiket na. mabilis lang kaming nakapasok. bago punitin ung tiket ko, pinicturan ko muna. wala lang trip lang. tapos pinicturan ko uli nung pinut na. may bago silang pakulo, ung parang bracelet ng ride all you can sa star city. kulay neon na yellow ung samin ni rey. walang ano ano nang maka pasok kami ni rey, hinanap na namin agad ung booth ng registration para sa art contest. Ayos. pang 15 palang ako at 16 si rey. sinulat ko ung pangalan, edad(17 ang nilagay ko pero 20 na ako sa aug.), phone no., at location. at binigyan kami ng illustration board. ok na kami ni rey. may illustration board na kami. pede na kaming umuwi...joke. 6pm ung due date ng art contest at 11am palang kaya naglibot muna kami ni rey. umupo muna kami sa table ng yugioh carg game. dun pumwesto ung mga kasali sa art contest ung isa may dalang color pencil, crayola at poster paint. handang handa na sa giyera. naalibadbaran si rey kaya tumayo na kami. may nakita kami ni rey na naka seigaku na babae, cute sya pero palaisipan samin kung sino siya sa prine of tennis. gusto sana magpa picture ni rey kaso nahihiya sya. mayamaya pa may tumawag sa'kin "kuya mon!!" hindi ko nakita agad. kinailangan ko pang yumuko. joke lang. nakita ko ung maliit babaeng naka brown na damit at sumbrero(terno?), pamangkin ni Michelle, si Kamil. "uy! nasan si michelle?" yun agad ang nasabi ko. nang makita ko si michelle, "uy, ba't nandito ka sa loob?" un ung nasabi ko sakanya. hindi ko alam kung bakit. mabilis ang mga pangyayari. ang sabi nya kasi pupunta siya pero hindi siya papasok. wala lang. pinapila kami ni kamil sa namimigay ng installer ng lineage. pumila kami kahit wala akong balak na iinstall yun sa PC namin, may kasamang pang poster at maasim na smile ni ate. taops pumila kami sa kabila. mas maraming CD at complete set ung installer, may mini games din na irarambol ni kuya yung mga itlog na may letters("kamael") at ibabalik mo sa dati. dalawang letters lang yung tama ko, at ang price, dalawang trading cards. saya! hiningi pa ni kamil ung isa. pero ayos lang kasi gusto ko nga sanang ipang-shuriken ung card pero sayang. remembrance nalang. Nanood muna kami ng bread eating contest yata yun bago kami magkawalaan. yun yung paunahang makaubos ng tinapay ng French Baker, ung matigas. gutom na kami ni rey nun pero imbes na matakam at mainggit ka sa mga contestant eh madidiri ka habang nginunguya nila ung tinapay nang naka nganga. kawawa ung isang contestant na bata kasi parang naghihingalo na. tapos yakult lang yung panulak nila. Ayos din naman yung price kapag nabuhay ka pa.

Pagkatapos nun nawala na sina michelle. lumabas muna kami ni rey para kumain. mahaba ang pila mcdonalds kaya sa take out kami pumila. wais 'to! wala ring maupuan kaya sa food court nalang kami kumain. nasalubong pa namin si seigaku girl. natatawa kami pag nakikita sya. inorder ko ung value meal na may burger, drinks at fries. dun kami pumwesto ni rey sa harap ng jollibee sa food court kahit mcdo ung dala namin. tapos nanghingi kami ng ketchup dun din sa jollibee. hindi rin kami manipis! pagkatapos kumain sinimulan na namin magdrawing. si gaara ang dinrowing ko(si harui dapat kaso kamuka ni meili ung naddrawing ko) at si sasuke ang dinrowing ni rey. totoo...peksman! may pruwebang picture pa. mga alas-2 natapos na kami. hindi na namin kinulayan kasi tinatamad si rey at wala rin akong tiwala sa dala kong pangkulay(yung pangbatang color set). pagbalik namin ni rey sa convention, halos tapos na din ung ibang kasali. ginawa nang drawingang ung table para sa yugioh card game kasi dun kami naupo kanina. umikot pa kami ng isa sa boung hall at nasalubong namin sina michelle, kasama na nila si ariane na walang hilig dati sa anime. nagCR si ariane ng mga kalahating buwan kaya nagpasa muna kami ng dnrawing namin ni rey. pabalik, nasalubong uli namin si seigaku girl at nagngitian. andun na si ariane pagbalik namin. nagpicture picture sa mga cosplayer pero konti lang. may mga nagcos ng magic knight, power ranger, Pink 5(dalawa sila, ung iasa cute ung isa bumbayin), cell, bleach, deathnote, juaquin burdado, at American Idol. hindi ko natagalan ung group cosplay competition. pero may isa akong nagustuhan. iniwan ko muna si rey na enjoy na enjoy sa panonood, naglibot muna ako at naghanap ng mauupuan. nadaanan ko ung tindahan ng mamahaling hotdog. P80 ang isa. may ganoon din noong HERO con at nag balak na rin akong bumili. hanggang pag babalak lang. muka kasing masarap pero kung iisipin, katumbas na yun ng tatlong jumbo hotdog sa 7-11 at may sukli pa. wala na talaga akong mahanap na mauupuan kaya sa mesa na ako umupo kahit hindi magandang tignan. suko na ang paa ko at gutom na gutom na ako, mga 7pm na nun. pagkatapos ng group cosplay innounce ung nanalo sa art contest. hindi na kami nakinig ni rey(hopeless na) pero nakita ko ung nanalong obra. sya yung handa na sa giyera kanina. next time alam na! mga 9pm na natapos ung 1st day ng event, meron pa bukas pero hindi na kami babalik. pauwi na kami kasabay sina michelle hindi na rin namin nasalibong ang mahiwagang seigaku girl. pag dating sa first floor nagCR na lahat ng magsiCR. kami lang ni rey natira. nung lumabas na si michelle sa CR nagpaalam na kami na mauuna na. pero bumalik muna kami ni rey sa napakataas na fifth floor para kunin yung drawing namin. remembrance. hindi na talaga namin nasalubong si seigaku girl at nagpasya na kaming umuwi. bumili muna kami ng ice cream P10 lang. hapunan na. huling kain na namin ung sa mcdo kanina. Pag labas ng SM hindi na namin alam kung saan pupunta. pero may pinuntahan si rey kaya sinundan ko nalang siya. pati yung harang na semento na tinalon nya tinalon ko rin. kaso hindi ko masyadong abot kaya medyo nasaktan ako sa ginawa ko. papunta pala kami sa MRT. alas-10 na at gising na ang mga aswang na aatend ng convention at sasali sa maagang raffle, wala paring nadaang MRT. hindi na rin kami nagugutom dahil nalipasan na kami. naka uwi na sina rukia, pink 5, kenshin, lucy, marina, animoni, kurapika at si seigaku girl. nagkwentuhan muna kami at napagusapan ang mga maaaring mangyari sa taong tatawid sa riles ng MRT bago pa makarating ang last trip... ay second to the last trip pala ng MRT.

deviantID

Devious Info

  • Current Residence: Kawit, Cavite
  • Interests: Manga, Anime, Electronics, Computer
  • Favourite genre of music: Rock(as in ung nagwawala)
  • Favourite photographer: si manong(lyceum photographer)
  • Favourite game: Harvest Moon
  • Favourite cartoon character: Sponge Bob

deviantART Community Board

[x]

Webcam

Comments


:iconah-mon:
ui nys art watch kta ha!

--
continue to soar!!
:iconmonkun16:
ok. watch din kta..^^

--
yoh!
:iconah-mon:
thanks,taga funny komiks ka?

--
continue to soar!!
:iconmonkun16:
dati po...:D

--
yoh!
:iconah-mon:
kta kits po sa mcc!

--
continue to soar!!
:iconkulunggoy:
pen tablet ba gamit mo sa pag guhit? akin nalang.. hehehe.. joke lang.. astig!!

--
=========================================================
ugaliing mangulangot bago makipag usap sa ibang tao...:picknose::picknose::picknose:
Click This [link]
:iconmonkun16:
d...poor lng ako e. haha
may iscanner lng ako d2.XD

--
yoh!
:iconkulunggoy:
buti ka nga may scanner.. hehehe. akin pinipityuran ko lang.. hehehe.. mas poor pa ako sau..

pero malutpit talaga drawings mo!! hehehe.. :highfive:

--
=========================================================
ugaliing mangulangot bago makipag usap sa ibang tao...:picknose::picknose::picknose:
Click This [link]

Site Map